-- Advertisements --
image 49

Dumipensa ang Department of Health (DOH) sa pagpayag nila sa lifting ng mga pagsusuot ng face mask o magiging optional na lamang sa mga outdoors.

DOH Undersecretary at OIC Maria Rosario Vergeire, ginawa nila ang desisyon batay na rin sa pahayag ng World Health Organization na ang face mask mandates ay dapat nakapukos sa mga vulnerable sector.

Nangangahulugan umano ito na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga senior citizens, mga may sakit at mga bata.
Nilinaw din ng DOH chief, sa transport sector din na hindi pa rin daw aalisin ang face mask at sa matataong lugar.
Aminado naman ito sa ngayon hindi pa rin daw masasabing nasa high population immunity na ang pilipinas at hindi pa rin natatapos ang pandemya dahil wala pa tayo sa tinatawag na state of pandemcity.

Kaugnay nito muling nanawagan ang DOH sa mga kababayan na hindi pa nagpa-booster shots na magpaturok na dahil marami sa mga naunang nagpa-vaccine ay humihina na ang depensa laban sa virus.