-- Advertisements --

DENR

Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-reforest ang nasa isa hanggang dalawang milyong ektarya ng kagubatan sa bansa.

Ayon kay Envrionment Secretary Maria Antonina Yulo-Loyzaga target ng Marcos jr. administration na i-reforest ang nasa 15 million hectares na kagubatan, sa ngayon kasi nasa pitong milyong ektarya pa lamang ang covered.

Aminado si Loyzaga na mahirap ma-cover ang mga nakalbo ng kabundukan para makumpleto ang target.

Kailangan ng ahensiya ng mga partners para ipatupad ang nasabing programa.

Sinabi ng Kalihim kulang ang pondo ng DENR para sa mga programa kaya umaasa sila sa suporta ng ibat ibang ahenisya, private sector at stakeholders.

Iniulat din ni Loyzaga na may mga lugar sa ilalim ng National Greening Program ay graduate na sa programa na kailangan na lamang i-maintain at isustine.

Binigyang-diin ni Loyzada na ang isang milyong ektarya ay na-mapped out na at ito ang magiging prayoridad para sa reforestation.

Sabi ng kalihim na ang environmental and natural resource management ay isang whole-of-government approach na malaking tulong sa tinatawag na natural capital para madagdagan ang value ng investments para sa iba pang departments.