KALIBO, Aklan – Pansamantalang isinaraw ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay PENRO officer Merlene Aborka, ang pagsasara ay mula kahapon ng Miyerkules, May 5, 2021 at wala pang katiyakan kung makabalik ang kanilang regular na transaksyon sa Lunes, Mayo 10.

Ito ay upang makapagsagawa ng cleaning at disinfection sa tanggapan.

Maliban dito, hinihintay pa ang magiging resulta ng swab tests ng kanilang dalawang empleyado na high risk contact ng isa pa nilang empleyado na nag positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).