ILOILO CITY – Naharang ng otoridad ang isang delivery van na may kargang mahigit sa 100 boxes ng alak sa checkpoint sa Brgy. Tapikan, San Joaquin, Iloilo.
Ayon sa San Joaquin PNP na pinamumunuan ni PLt. Randy Lambungan, umabot sa 103 boxes ang nasa loob ng delivery van na minamaneho ni Aaron Delos Reyes Bearneza, 36-anyos ng Brgy. Tiwi, Barotac Nuevo.
Kabilang sa nakumpiska ng checkpoint team na pinamumunuan ni PLt. Chrsyler John Ledesma ang 103 boxes at siyam na botelya ng assorted liquor products.
Ang nasabing alak ay pinaniniwalaang binili sa lungsod ng Iloilo at dadalhin sana sa lalawigan ng Antique.
Ang driver ng van ay nahaharap sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Executive Order hinggil sa Liquor Ban na pinapairal sa lalawigan ng Iloilo.
Dahil na rin sa sunod-sunod na accomplishment, hinangaan ng Police Regional Office (PRO)-6 ang pagsisikap ng Iloilo Police Provincial Office.