Nagpahayag ang defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi na nakakagulat ang naging findings ng House Committee on Justice na may probable cause laban sa kanya, batay sa direksiyon ng mga nagdaang pagdinig.
Ayon sa kanilang pahayag, nananatili silang naniniwala na ang proseso ng komite ay lumihis sa disenyo ng Konstitusyon.
Sa halip na manatili sa mga verified complaints at mga kalakip nito, pinalawak umano ang proseso sa mga usaping nararapat lamang talakayin sa isang full trial.
Kanina ay bumoto ang House Committee on Justice na may probable cause sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Ang mga alegasyon ay kinabibilangan ng misuse ng confidential funds, unexplained wealth, at umano’y death threats laban sa Pangulo, First Lady, at dating House Speaker.
Sa mga naunang hearing, ipinresenta ng AMLC ang ulat na P6.7 bilyong transaksiyon na hindi tumugma sa SALNs ng mag-asawa.
Ang findings ng probable cause ay magdadala ng impeachment case sa plenaryo ng Kamara, at kung aprubahan, lilipat ito sa Senado para sa impeachment trial.
















