Naitala ng Department of Health {DOH) ang panibagong 517 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa ikalimang araw na ngayon na mas mababa pa sa 600 ang daily cases ang naiuulat ng DOH.
Ang total COVID cases mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,834,294.
Samantala mayroon namang naitalang 1,139 na gumaling at 243 na pumanaw.
Ito ang ikalawang araw na mahigit 200 ang naii-report na fatalities ng DOH.
Sa kabuuan nasa 49,230 na ang namatay dahil sa deadly virus sa bansa.
Mababa pa rin naman ang mga aktibong kaso na nasa 14,338 ngayon.
Ang mga nakarekober sa bansa ay kabuuang 2,770,726.
Mayroon namang isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Patuloy naman ang paalala ng DOH na huwag magkampante kahit bumababa ang bilang ng COVID cases.
“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19,” ani DOH advisory.