-- Advertisements --
image 175

Sumampa na sa 20 matapos madagdagan pa ng tatlo ang nasawi nasawi dahil sa epekto ng low pressure area, amihan at shear line simula pa noong bagong taon.

Sa latest report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lima sa mga nasawing biktima ay mula sa Region 5, anim sa Region 8, tig-apat sa Region 9 at 10 at isa sa Region 11.

Ayon pa sa ahensiya, nasa 10 ang kumpirmadong nasawi mula sa epekto ng masamang lagay ng panahon habang nasa 10 iba pa ang isinasailalim sa validation.

Mayroon namang 8 katao ang napaulat na nasugatan mula sa Region 9 at Region 10.

Isa ang nananatiling kumpirmadong nawawala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ulat din ng NDRRMC, kabuuang 343 lugar ang nakaranas ng malawakang pagbaha dahil sa kalamidad.

Nitong araw ng Sabado, namataan ang low pressure area sa bahagi ng Surigao del Sur habang patuloy naman na makakaapekto pa rin ang Northeast monsoon o amihan sa ilang parte ng bansa partikular sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte