-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sundin ang tamang proseso sa preventive suspension na inilabas ng Ombudsman laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Binigyang-diin ng Presidente na anumang hakbang na makaaapekto sa mandato ng halal na opisyal ay dapat dumaan sa tama at legal na proseso, alinsunod sa Konstitusyon at Omnibus Election Code ngayong panahon ng eleksyon.

Sinabi ng Punong Ehekutibo hangga’t hindi pa nareresolba ang mga katanungan ukol sa suspensyon ni Garcia ay nararapat lamang na itrato ito ng patas at bigyan ng respeto lalo pa’t matagal na itong nagsilbi ng may katapatan.

Kung maalala inendorso ng One Cebu, ang political party ni Garcia, ang presidential campaign ni Pangulong Marcos noong 2022 elections.

Nauna nang kwinestyon ni Garcia ang timing ng kautusan at iginiit na hindi siya bababa sa kaniyang puwesto.

Ngayong araw, sinimulan na ang rollout sa P20 kada kilo na bigas sa Cebu.