Nakahanda ang Department of Budget and Management (DBM) na magsumite ng mga dokumento sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa umano’y irregularidad sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Budget Sec. Wendel Avisado, katunayan ay bukas na sila magsusumite ng mga dokumentong hinihingi ng Ombudsman.
“Kami dito sa DBM ay nakahanda… bukas nga sa pagkakaalam ko, isusumite na namin ‘yung mga dokumento na hinihingi ng Office of the Ombudsman,” ani Sec. Avisado.
Noong Biyernes, inatasan ni Ombudsman Samuel Martires ang DBM at Department of Health (DOH) na magsumite ng mga special allotment release orders sa cash na nasawi dahil sa COVID-19.
Tiniyak ni Sec. Avisado na makikipagtulungan ang DBM sa imbestigasyon ng Ombudsman.