-- Advertisements --

Umakyat na sa P505.17 billion ang nailabas na pera ng pamahalaan para sa COVID-19 response.

Ito ay matapos na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.76 billion na pondo sa Department of Health (DOH) bago matapos ang taong 2020 para gamitin naman sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Base sa latest data ng DBM, hanggang nitong araw, Enero 14, 2021, inilabas ang special allotment release order (Saro) noong Disyembre 28, 2020, na nagkakahalaga ng P1.49 billion.

Ang halagang ito ay advance payment sa biniling bakuna sa ilalim ng $100-million Covid-19 emergency response project loan sa World Bank noong nakaraang taon.

Bukod dito, isa pang Saro ang inilabas ng DBM para sa DOH noong Disyembre 28, 2020 na nagkakahalag naman ng P1.27 billion bilang advance payment sa bibilhing bakuna sa pamamagitan ng $125-million loan sa Asian Development Bank.