Naging maayos at walang naitalang anumang mga untoward incidents sa ikalawa at ikatlong araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ito ay batay sa isinagawang inspection ng matataas na opisyal ng PNP sa pangunguna ni PNP, The Deputy Chief for Administration, ASCOFT Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz; Deputy Chief for Operation, Task Force Covid Shield Commander Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson at Calabarzon regional police director, BGen. Eliseo Cruz.
Ininspeksyon nina Vera Cruz, Dickson at Cruz ang Quarantine Checkpoints at ang mga itinalagang law enforcement checkpoints sa boundaries ng Laguna at Batangas at ang boundaries ng PRO 4A at NCRPO.
Ang mga sumusunod na Quarantine Control Points na ininspeksiyon ng tatlong heneral ay ang mga sumusunod: Brgy San Rafael, Sto Tomas Exit going to Slex
San Agustin, Sto Tomas, Batangas at San Andres , Alaminos, Laguna ( boundary ng Batangas at Laguna)
Brgy Sta Anastacia, Sto Tomas, Batangas at Brgy Makiling, Calamba city ( boundary ng Batangas at Laguna)
Susana Heights exit going to Muntinlupa ( boundary ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna)
Brgy San antonio, San Pedro Laguna at Brgy Tunasan , Muntinlupa city. (Boundary ng NCR at Laguna)
Ayon kay Joint Task Force Covid Shield Commander, Lt Gen. Israel Ephraim Dickson, sumusunod naman ang mga kababayanan natin kapag pinagsasabihan.
Katuwang ng mga pulis sa mga QCPS ang mga tauhan ng AFP, BFP personnel at iba pang mga force multipliers.
Kapwa pina-alalahanan nina Lt. Gen. Vera Cruz at Lt. Gen. Dickson ang mga pulis na nagmamando ng checkpoints na tiyakin na nasusunod ang Minimum Public Health Standard, pina-alalahan din ang mga kapulisan at ang mga force multipliers sa APOR classification at ang mga dokumentong kakailanganin para mapadali ang identification; pinatitiyak na ang mga personnel na nagmamando ng QCPs ay physically fit at dapat maging flexible sa pagtupad sa quarantine rules and regulations.
Ayon sa heneral, alas-6:00 na ng gabi ng matapos ang kanilang inspection na walang anumang naitalang mga insidente.
Sinabi ni Dickson na karamihan sa mga violations na naitala ay ang hindi pagsunod sa protocols.