DAVAO CITY – Nagpalabas ang lokal na pamahalaan ng pahayag kung saan nilinaw nito na hindi naka-lockdown ang siyudad ngunit may inilabas itong guidelines patungkol sa bumabiyahe.
Ayon sa inilabas na guidelines, ang lahat ng mga residente ng Davao ay pinagbabawalang lumabas sa siyudad.
Lahat umano ng mga short term visitors ay pinayuhan na mas mabuting umalis agad sa siyudad.
Nanawagan rin ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga travelers na i-postpone muna ang pagbisita o pagbiyahe sa mga lugar hanggat hindi inaalis ang ipinatupad na State of Public Health Emergency.
Nitong Huwebes ay nagpalabas ng kautusan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na temporaryo munang isuspendi ang mga Roxas night market kung saan isa ito sa mga dinadagsa ng mga tao ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa Coronavirus disease (COVID-19).