-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Davao De Oro.
Ayon sa PhilVolcs, tumama ang lindol dakong 2:58 ng umaga nitong Biyernes Oktubre 20.
May lalim ito na 005 kilometers kung saan naramdaman ang intensity 3 sa lungsod ng Davao.
Nakaramdam naman ng intensity 4 sa Nabunturan, Davao de Oro; intensity 3 naman sa Pikit, Cotabato; Malungon sa Sarangani at sa Columbio sa Sultan Kudarat.
Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Office of the Civil Defense Region 11 kung may mga gusali at imprastruktura ang nasira dahil sa lindol.