-- Advertisements --
Inanunsyo ng media firm ni Pastor Apollo Quiboloy na SMNI, na itinalaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng Kingdom of Jesus Christ Church.
Ito ay sa gitna ng mga kinakaharap na sexual charges at iba pang usapin ni Quiboloy, maging dito sa Pilipinas at sa Estados Unidos.
Ilang ulit na ring ipinatawag ng Senado ang church leader, ngunit hindi ito dumalo sa tatlong mga pagdinig.
Sa ngayon ay pinaiikot na sa mga senador ang resolusyon para isyuhan ng arrest order si Quiboloy, ngunit hinaharang ito ng apat na mambabatas.
Hindi pa naman naglalabas ng pahayag hinggil dito ang panig ni dating Pangulong Duterte at hindi pa rin malinaw ang magiging papel nito sa simbahan ni Quiboloy.