Natagpuang patay ang dating asawa ni princesa ng Norway at isa sa nag-akusa ng sexual harrasment sa actor na si Kevin Spacey.

Si Ari Behn ay pinaniniwalaang nagpakamatay.

Ikinasal ito kay Princess Martha Louise ng Norway sa loob ng 14 na taon at sila ay naghiwalay noong 2016 dahil sa pagiging alcoholic nito.

Isa rin si Behn na nag-akusa kay Spacey ng pang-momolestiya.

Naganap ito noong 2007 sa isang concert kasunod ng pagdiriwang ng Nobel Prize kung saan hinawakan siya sa kaniyang maselang bahagi ng katawan.