ILOILO CITY- Nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang dating director ng Iloilo City Police Office at ngayon Chief ng Regional Staff ng Police Regional Office 6 na si Police Col. Martin Defensor matapos itinuturong utak sa pagpatay sa call center agent at nagmamanipula sa slay case ng anak ng isang kongresista.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating Assemblyman at Banat Partylist representative Salvador Britanico, sinabi nito na si Police Col. Defensor ang mastermind sa pagpatay kay Muller sa Cuartero, Jaro noong Enero 19, 2020.
Ayon kay Britanico, si Defensor rin umano ang utak sa pagmamanipula sa pagpatay sa anak niya na si Delfin sa Nabitasan, La Paz, Iloilo City, ilang minuto matapos mapaslang si Muller.
Anya, mismong si Police Corporal Joseph Andrew Joven na isa sa mga suspek sa nangyaring twin shooting incident ang umamin sa kaugnayan ni Defensor sa krimen.