-- Advertisements --

Suportado ni dating Chief Justice Reynato Puno ang pag amyenda sa 1987 Constitution.

Sa pagdalo ni Puno sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments kaniyang sinabi na hindi lang basta pag amyenda ang gagawin kundi rebisahin ang saligang batas para makamit ang current needs and necessities.

Iminimungkahi ni Puno ang isang hybrid constitutional convention na ang pipiliing delegasyon ay sa pamamagitan ng paghalal o appointment ng legislative-executive body.

Layon nito na ang mga itatalaga para amyendahan ang konstitusyon ay independent at competent.
Nilinaw ni Puno na hindi naman niya sinasabing “bad constitution” ang 1987 constitution sa katunayan mas mabuti ito kaysa 1935 at 1973 constitution.

Sinabi ni Puno na ang best para sa Cha Cha ay Con Con ngunit hindi yung tradisyunal kung saan lahat ng miyembro ay ihahalal.

Ayon naman kay House Committee on Constitutional Amendments chair at Cagayan de Oro Rep. Rufus rodriguez, mayorya sa mga nakibahagi sa public consultation ay pabor sa pag-amyenda ng konstitusyon at gawin ito sa pamamagitan ng constitutional convention.

Sa ginawa aniyang in-house public constitution sa Kamara noong January 26 at February 6, lumalabas na 65% ng resource person ang pabor sa charter change.

52% ang nais isagawa ito sa pamamagitan ng constitutional convention habang 48% para sa constitutional assembly.

Sa out of town public consultation na idinaos sa Cagayan de oro, Iloilo, Pampanga at San Jose Del Monte City, 93% sa reactors ang pabor sa Cha-cha, 43% ang pabor sa Con-con at 71% suportado ang economic provision revision.