Reading Time: 1 minute
Villa Guardamangia
Villa Guardamangia

Ibinebenta na ngayon ang dating bahay ni Queen Elizabeth na Villa Guardamangia na matatagpuan sa Malta.

Nagkakahalaga ito sa mahigit $6.17 million.

Matatagpuan ito sa Valleta capital at ang tanging lugar sa labas ng UK na tinawag ni Queen Elizabeth II na kaniyang bahay.

Nanirahan siya sa nabanggit na bahay mula 1949 hanggang 1951 noong bago pa lamang silang ikinasal ni Prince Philip na noon ay nakatalaga sa Malta bilang naval officer.

May lawak ito na 1,560 square meter na itinayo noong 1900.