-- Advertisements --
Itinuturo ng grupong Freedom Flotilla Coalition ang Israel na siyang responsable sa drone attack sa barko nila na magdadala sana ng mga pagkain sa Gaza.
Ayon grupo na tinamaan ng drone ang kanilang barko sa international waters na sakop ng Malta.
Nagtamo ng pagkakasira ang kanilang The Conscience ship habang ligtas naman ang mga sakay nito.
Wala namang naitala ang Maltese government na nasawi dahil sa ligtas ang mga lulan nito.
Kasamang nakasakay sa nasabing barko ang kilalang aktibistang si Greta Thunberg.
Mayroong kabuuang 12 crew at 30 na aktibista na lulan ng barko.
Plano ng NGO na ipatawag ang ambassadors ng Israel para panagutin sa paglabag ng international law at ang iligal na pagharang.