Sinampahan na ng kaso ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa office of the Ombudsman si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na siyang itinuturong “mastermind” sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Batay sa reklamo, isinampa ng CIDG kay Ombudsman Samuel Martires ang mga kasong conduct prejudicial to the best interest of service at graft and corruption laban kay Mayor Baldo.

Una nang sinuspinde ng Ombudsman si Mayor Baldo sa loob ng anim na Buwan upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring krimen.

Sa isang sulat na may petsang Enero 11, hiniling ng CIDG sa Ombudsman na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga offenses ni Baldo lalo na ang administrative at criminal aspect ng kaso.