-- Advertisements --
Babayaran ng Philippine National Police (PNP) ang anumang pinsala sa mga pribadong ari-arian dahil sa pagbasak ng police helicopter sa lungsod ng San Pedro, Laguna nitong Huwebes.
Ayon kay Bell SITG 429 Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mismong si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang nagbigay ng instruction na sagutin ng PNP ang mga iba pang danyos sa pinagbagsakan ng chopper.
Pagdating naman sa danyos sa chopper, sinabi ni Eleazar na kumpleto din ito sa insurance dahil bago pa ito at nito lang 2018 nakuha ng PNP.
Sa ngayon, may team na mula sa PNP ang nagsasagawa ng assessment sa mga na damage na mga properties.