Patay ang dalawang pulis sa bayan ng Naujan , Oriental Mindoro matapos na tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang kampo.
Mahigit isang oras ang inabot bago nadiskubre ng mga kasamahan nito ang pangyayari sa Regional Mobile Forces Battalion sa Barangay Pinagsabangan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office 4B , maaaring nag park ang mga ito ng kanilang motor ng tamaan ng kidlat pasado alas 10:30 ng gabi.
Nadala pa ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Kaugnay nito ay nagpaabot ng pakikiramay si Police Regional Office 4B director Brig. Gen. Roger L. Quesada sa mga pamilya ng biktima at nangako na magbibigay ng kaukulang tulong.
Maalalang noong 2009 ng dalawang na miyembro ng Special Action Force habang nasa anim na iba pa ang sugatan matapos na tamaan ng kidlat habang nag aayos ng radio antenna sa lalawigan ng Abra.