-- Advertisements --

Natapos na ang dalawang araw na summit ni US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Kasama ni Trump ang ilang mga opisyal nito kung saan kabilang na tinalakay ng dalawang lider ay ang pagpapalakas ng seguridad at kalakalan.

Kasama rin na pinag-usapan ng dalawa ang giyera sa Iran maging ang awayin ng China sa Taiwan.

Huling bumisita sa China si Trump ay noong 2017 kung saan ngayon ay mas pinalakas ang relasyon ng dalawang bansa.

Una ng sinabi ng US President na mayroong ilang mga problema na kanilang naresolba na hindi nagawa ng ibang mga nagdaang lider at ang relasyon ng dalawang bansa ay mas lalong tumibay pa.

Magugunitang nagkaroon ng alitan ang dalawang lider matapos na magpatupad ang US ng mataas na taripa sa mga produkto na galing sa China.