-- Advertisements --
NAGA CITY- Bagamat malaki ang dalang danyos ng bagyong Ambo sa Bicol, naging malaking tulong naman umano ito sa mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Minalabac Mayor Christoper Lizardo, sinabi nito na dahil sa labis na nararanasang init ay isa sa naging problema ng mga magsasaka sa lugar ang pagkatuyo ng lupa.
Ngunit dahil sa dalang ulan ng bagyong Ambo ay naging oportunidad ito ng mga magsasaka upang makapagsimula na muli sa kanilang pagtatanim.
Kung maaalala, ayon sa Department of Agriculture (DA)-Bicol, naging blessing in disguise umano ang epekto ng bagyong Ambo para sa pagsisimula ng pagtatanim ng mga magsasaka sa rehiyon.