CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang estudyante pagkatapos magbigti dahil sa sobrang depresyon sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jireh Robles Madillo,22 anyos at estudyante ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan North Cotabato,

Ayon kay Kabacan Chief of Police,Major Realan Mamon na bago nagpatiwakal ang dalaga ay nagpadala pa ito ng text message sa kanyang kasintahan na si Roy Patrick Fresnido Ambacan, 22 anyos, estudyante ng USM at nakatira sa Barangay Palomoguen, Midsayap, Cotabato.

Ang nakasulat sa text message ay, “Goodbye, forever. Di ko na kaya. Ingat ka. Bantayan na lang tika sa langit.”

Matagal nang nagsama ang dalawa at katunayan nga may isang anak na sila at ang tinutukoy na forever ni Madillo ay mismong si Ambacan.

Mismo ang binata ang nakakita sa nakabitin na katawan ng dalaga sa kisame ng kanyang boarding house ng ito ay umuwi at dinala pa niya sa pagamutan ngunit makalipas ang ilang minuto ay binawian ng buhay.

May ilang kaibigan ni Madillo ang nagsabi na may mga pasa sa katawan ang dalaga ngunit sa imbestigasyon ng pulisya ay wala itong nakitang foul play.

Nagulat rin ang pamilya ng estudyante sa pagbigti nito at hiniling sa pulisya ang re-investigation at isailalim sa autopsiya ang katawan ng dalaga.