-- Advertisements --

Maaaring magpasaklolo ang National Task Force Against COVID-19 sa mga karatig na probinsya para sa dagdag na contact tracers.

Ito ang sinabi ni Interior Usec. Jonathan Malaya, kung patuloy pang lalala ang mga record breaking na kaso ng deadly virus.

Sa pagtaas kasi ng COVID-19 cases, marami rin ang kailangang hanapin.

At kung mataas ang bilang ng mga hahanapin, mas magiging epektibo umano ito kung mas marami ang contact tracers.

Makakatuwang din ang MMDA, PNP, barangay officials at social workers sa nasabing gawain.