-- Advertisements --

Kumpyansa ang pamunuan ng Department of Agriculture na mananatiling mababa ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa ngayong holiday season.

Ayon sa ahensya, sa ngayong naglalaro sa ₱300 kada kilo na presyo ng pulang sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa isang pahayag , sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, mayroong malaking volume ng imported na sibuyas ang nakatakdang dumating sa bansa bago ang holiday.

Sa kabuuang volume na 56,000 metric tons ng sibuyas na binigyan ng permiso para i-angkat, sa kasalukuyan ay 11,000 metric tons pa lamang ang aktuwal na nakakarating sa ating bansa.

Dahil dito, patuloy na inaabangan ang pagpasok ng natitirang bahagi ng inangkat na sibuyas.

Sa sandaling makapasok na ang inaasahang kabuuang supply na ito, may posibilidad na ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan ay bumaba at maging mas abot-kaya para sa mga mamimili, na inaasahang babalik sa pagitan ng ₱120 hanggang ₱150 kada kilo.