Nakipagpulong si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasama ang mga regional managers ng National Food Authority (NFA) para makasiguro na ang mga kalidad ng bigas na ibinebenta sa ilalim ng programa ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na P20 rice at pasok sa high quality standards.
Ayon sa kalihim, isang subsized programa ang P20 rice nqa siyang nagbibigay ng oportunidad sa departamento na mabago ang matagal nang mga pananaw ng publiko na mayroong mababang kalidad ang mga bigas ng NFA.
Panahon na aniya para tuluyan nang mabago ang mga opiniyon na ito tungkol sa mga bigas na mula sa mga lakol na magsasaka at ipakita na kaya ng pamahalaang makapagbigay ng high quality nabigas sa murang halaga.
Ipinapakita lamang din aniya sa programang ito kung gaano kalasa at mataas ang quality ng mga palay na siyang inaanai ng mga lokal na magsasaka sa bansa.
Samantala, simula naman sa naging paglulunsd ng programa noong Mayo 1, marami na sa mga konsyumers ang nagpahiwatig ng pasasalamat at binid ang malasang kalidad ng mga NFA rice.
Agad namang nakikita ng DA na mas magiging patok pa ang bentahan ng NFA rice maliban sa presyo nitong abot-kayta ngunit maging sa ibang klaseng kalidad nito.