Muling kinalampag ng Malacañang ang Department of Agriculture (DA) at ipinaalala ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-contain o pigilan ang pagkalat ng African swine fever (ASF).
Kasunod ito ng ulat na may ASF cases na sa Pangasinan matapos mag-positibo rito ang 15 blood samples ng mga baboy mula sa isang barangay sa Bayan ng Mapandan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala silanh ginagawa na ng DA ang lahat ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga baboy.
Samantala, iginagalang naman ng Malacañang ang desisyon ng ilang local government units (LGUs) na i-ban ang pork products mula sa Luzon at iba pang apektadong lugar dahil pinoproteksyunan lamang nila ang kapakanan ng kani-kanilang constituents.
Kabilang sa mga nag-ban ng pagpasok ng pork products sa kanilang lugar ang Cebu at Davao.