Iniangat na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban sa South Korea sa mga produktong heat-processed pork na siyang naging epektibo anim na taon nang nakalilipas bunsod sa naging epekto ng African swine fever (ASF).
Base sa inilabas na Memorandum Order no. 23, pinapayagan na ang muling pagpasok ng mga produkto mula sa naturang bansa gayong ang mga produkto naman ay sumailalim sa proseso ng isang high-level heat treatment.
Ayon sa departamento, sa pamamagitan ng polisiyang ito ay magkakaroon ng mas maraming pork products na magiging available para sa mga konsyumers sa loob ng bansa.
Matatandaan naman na noong Abril 8, ipinakita ng Import Risk Analysis (IRA) na ang mga sterilized pork mula sa SoKor ay isa nang ‘safe commodity’ matapos na maging pasok sa mga panuntunan ng World Organization for Animal Health Standards.
Samantala, noong taong 2019 naging epektibo ang import ban sa naturang bansa para maiwasan na makapasok ang ASF sa Pilipinas.
Sa ngayon naman ang aktibong mga kaso ng ASF ay bumaba na sa 47 sa 23 lungsod at munisipalidad mula sa 54 na barangay sa 28 lungsod at munisipalidad noong Abril 11.