-- Advertisements --

Umaasa si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mailalabas na nila ang floor price ng palay bago ang susunod na harvest season.

Ito ay kasunod ng ulat na ang presyo ng palay ay nabibili ng sing baba ng P11 kada kilo.

Dagdag pa ng kalihim na ibabase nila ito sa mga gastos ng mga magsasaka kasama na ang mga fertilizers at mga binhi.

Ang susunod na panahon na anihan ay sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.