Pinasalamatan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, ang gobyerno ng Czech Republic sa pagbubukas ng pinto nito para sa mga Filipino skilled workers na nais magtrabaho sa kanilang bansa.
Dinagdagan kasi ng Czech Republic ang quota ng mga Filipino workers simula May 2024 kung sa mula s sa 5,500 na quota, tinaasan ito ng Czech Republic sa 10,300 kada taon.
Ang Czech Republic ang siyang pangalawang tahanan ng nasa 7,026 Filipinos na nagta trabaho sa processing industry, automotive, repairs and appliances, manufacturing, IT communications, real estate, health/wellness, at household service work.
Sinabi ng Pangulo na malaking oportunidad ito sa mga Filipino para makapag trabaho sa abroad Czech Republic.
Sa kabilang dako, tinunghayan nina Pang. Marcos at Czech Republic President Petr Pavel ang paglada ng Joint Communique sa Labor Consultations Mechanism, kung saan naglalagay sa tamang mekanismo para talakayin ang mutual interest at ang tamang paraan sa pag employ ng mga Filipino workers.
Ang mekanismo ay nilagdaan ng Department of Migrant Workers at Czech Ministry of Labor and Social Affairs.