Plano ng Bureau of Customs na buhaying muli ang operasyon ng Philippines Customs Laboratory o PCL.
Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagbuhay sa PCL makakatulong upang magiging mas maayos at tama ang analysis sa mga produktong kemikal na pumapasok dito sa Pilipinas.
Makaktulong din ito upang matukoy ang akmang buwis na ipapataw sa mga imported na produkto, daan upang lalo pang mapaangat ang revenue collections.
Naniniwala ang opisyal na malaking oportunidad din ito upang lalo pang mapalakas ang boder security efforts sa bansa, para lalo pang mapalakas ang international cooperation, kasama ang iba pang mga customs office ng ibang mga bansa.
Kung mangyayari ang plano, naniniwala si Rubio na makakatulong ito upang mapigilan ang mga technical smuggling, gamit ang mga makabagong teknolohiya at iba pang intelligence-driven strategies.