-- Advertisements --

Ipinaalala ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno ang deadline ng pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ngayong araw ng Huwebes, April 30.

Kabilang sa mga dapat maghain ang mga empleyado ng gobiyerno mula sa national at local government, State Universities and Colleges, at Government-Owned and Controlled Corporations.

Pinapayagan din ang digital submission o digital filing gamit ang partikular na 2025 SALN form.

Ayon sa CSC, alinsunod sa Republic Act 6713, obligasyon ng bawat lingod-bayan ang tapat na pagdedeklara ng ari-arian, utang, at busindess interest para sa transparecy sa public services.

Paalala ng komisyon sa bawat public servant, maghain nang maaga para sa isang maayos at tapat na serbisyo. (report by Bombo Genesis)