Niyanig nng magnitude 5.3 na lindol ang Zagreb city sa Croatia.

Isang teenager ang nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ang ulo ng bumagsak na bubong ng simbahan.

Pinayuhan naman ni Interior Minister Davor Bozinovic ang mga mamamayan na maging kalmado.

Maraming mga gusali ang nasira at maing ang parliament building nila.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 200 katao ang nadapuan ng coronvirus disease 2019 o COVID-19.