-- Advertisements --

Tutulong na ang Italy at Croatia sa pag-apula ng wildfire sa Israel.

Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na ang nasabing wildfire ay mabilis na kumakalat malapit sa Jerusalem.

Dahil sa nasabing wildfire ay umaabot na sa 30 katao ang sugatan kabilang ang 12 iba pa ang dinala sa pagamutan.

Bukod sa mga eroplano ng dalawang bansa ay nakahanda rin ang ibang mga bansa na tutulong sa pag-apula ng wildfire.

Nagdeklara na rin ng national emergency at lahat aniya ngmga Independence Day event ay nakansela na.