-- Advertisements --

Naniniwala na malaki ang naging ambag ng B.1.617 at pagkalat ng iba pang variants ng coronavirus, tulad ng B.1.1.7 at B1.351 sa biglang padami ng kaso sa India.

Ayon sa UN body, malaki ang papel ng mga variants na ito sa pagsirit ng naitatalang kaso ng nakamamatay na virus sa bansa kasabay nang pagkaka-detect sa B.1.617 sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Mayroon umanong mas mataas na growth rate ang B.1.617 kumpara sa ibang variants na umuusbong sa Asya, hindi raw malayo na mas nakakahawa rin ang nasabing virus.

Posible raw na magkaroon ng pagbabago sa implementasyon ng public health at social measures, social gatherings, tulad ng mass gatherings at eleksyon.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang WHO ng malalimang imbestigasyon tungkol dito.

Sa parehong report, isiniwalar din ng WHO na 139 na mga bansa na ang nakapagtala ng B.1.1.7 variant; 87 bansa naman ang may B.1.351: 54 naman sa P.1 variant.

“As surveillance activities to detect SARS-CoV-2 variants are strengthened at local and national levels, including by strategic genomic sequencing and sharing full genome sequences with publicly available platforms such as GISAID, the number of countries/areas/territories reporting VOCs continues to increase,” pagpapaliwanag ng WHO.

Batay naman sa latest data ng John Hopkins University, aabot na sa 17,997,113 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Ipinapatawag din ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., si Indian Foreign Minister Subrahmanyam Jaishankar para talakayin ang naturang isyu kasabay nang pag-asa nito sa mabilis na pagbangon ng mga bansa sa Asya na lubhang naapektuhan ng pandemya.