CEBU CITY – Naniwala si Allan Bustamante ang Bombo International Correspondent na nakabase sa New Jersey, sa Estados Unidos na dahil sa isyu ng COVID-19 response naging pangunahin kadahilanan kung bakit nasira sa iba pang mga botante ang imahe sa Republican at kasalukuyang presidente sa Estados Unidos na si Donald Trump.
Kung saan pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga residente sa estados unidos ang COVID-19 response ng bawat kandidato.
Magka-iba ang COVID-19 response ni Trump at Challenger nito sa Democrat na si Joe Biden kung si Biden ay nakatuon sa COVID-19 testing pati na rin ang pagbili ng mga kagamitang kontra sa virus.
Gayunpaman ‘close fight’ pa rin naman ang dalawa.
Sa kabilang banda, isinuwalat ni Bustamante na mas dumami ang mga Amerikano na nais bumoto sa paparating na halalan sapagkat marami rin ang agresibo at nais na magbigay ng kanilang suporta para sa pamumuno ng Estados Unidos.
Sa katunayan mayroon nang higit sa 80 Milyun mga Amerikano ang bumoto para sa US presidential election batay sa pinakabagong tala sa US Elections Project sa University of Florida.
Kung saan ikinokonsiderar ito na pinakamataas na rate ng pakikilahok sa buong kasaysayan ng halalan ng Estados Unidos.
Ito ay mas mataas sa 58% ng kabuuang bilang ng election turnout sa halalan noong 2016.












