Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03.
Umaasa si David na magtuloy-tuloy ang trend na ito lalo pa noong Hulyo pa nang bumaba sa one ang COVID-19 reproduction number ng NCR bago nagkaroon ng surge.
Samantala, sinabi ni David na base sa mga projections, ang nakikitang bubuti ang sitwasyon sa mga ospital sa NCR sa mga unang araw hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre.
Sa isang forum noong Martes, sinabi rin ni David na posibleng nasa last stages na ang Pilipinas sa laban kontra Delta variant, lalo na sa Metro Manila, sa gitna ng patuloy na bumababang reproduction number.
Sa mga nakalipas kasi aniyang linggo ay bumababa ang naitalalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon.