-- Advertisements --
Binigyang-diin ng Malacañang na pasok pa rin sa positivity rate standard ng World Health Organization (WHO) ang naitatalang nagpopositibong indibidwal sa bawat 100 sumasalang sa COVID-19 test dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa 7.5 percent ang positivity rate ng Pilipinas habang sa 10 porsyento naman ang standard ng WHO.
Ayon kay Sec. Roque, ibig sabihin, pito ang nagpopositibo sa kada 100 indibidwal na nagpa-COVID test.
Inihayag ni Serc. Roque na sa kabuuang kaso ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, na 93.7 percent ay nasa kategoryang mild habang 5.6percent ay asymptomatic at nasa 0.6 percent lang ang severe at 0.1 percent lamang ang kritikal.