Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng tumaas pa ang aktibidad ng Kanlaon Volcano sa loob ng ilang araw, kasunod ng patuloy na paglitaw ng crater glow o “banaag” sa bunganga nito.
Ayon sa advisory ng PHIVOLCS nitong Lunes, ang crater glow ay dulot ng superheated volcanic gas at maaaring senyales na malapit na sa bunganga ang magma, na posibleng magdulot ng mas mataas na antas ng volcanic unrest.
Naitala noong gabi ng Mayo 10 ang unang pagkakataon na ang incandescence o liwanag mula sa bunganga ng bulkang batay sa Kanlaon Volcano Observatory.
Dahil dito posible itong ang Alert Level 3 sa bulkan na sa ngayon ay nasa Alert Level 2, na nangangahulugang may moderate volcanic unrest,.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na kung sakaling magkaroon ng pagputok, maaaring magdulot ito ng pyroclastic density currents, ashfall, lava flows, at iba pang mapanganib na volcanic hazards.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer Permanent Danger Zone, habang pinapayuhan ang mga lokal na pamahalaan na maging handa sa posibleng evacuation.
















