CAUAYAN CITY- Umakyat na sa 152 ang bilang ng nagpositibo sa COVID 19 sa region 2.
Batay sa talaan ng Department of Health (DOH) region 2, nitong Biyernes ay nagtala ng apat na panibagong kaso na positibo sa COVID-19.
Ang dalawang panibagong pasyente ay mula sa lalawigan ng Cagayan pangunahin na sa mga bayan ng Allacapan at Iguig samantalang dalawa rin ang naitala sa Isabela na mula sa Lungsod ng Ilagan at bayan ng Echague.
Ang tatlo sa mga panibagong pasyente ay pawang locally stranded individuals habang ang pasyente na mula sa Echague, Isabela ay isang OFW na mula sa Saudi Arabia.
Ang pasyente na mula Iguig Cagayan ay dumanas ng ubo na ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center habang ang tatlo pang panibagong COVID-19 patient ay nanatiling asymptomatic
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus ay isinasagawa ng mga kawani ng DILG at kasapi ng PNP katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, mga Lokal na Pamahalaan at Pamahalaang Lungsod kung saan residente ang mga nagpositibo sa sakit.