CAUAYAN CITY – Nadagdagan ng limang panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang naitala ng Department og Health o DOH region 2.
Dahil dito umabot na sa 120 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon 2.
Ang apat na panibagong COVID-19 positive patient ay galing sa lalawigan ng Isabela pangunahin na sa mga bayan ng San Isdiro, Cabatuan, Quezon at San Manuel habang isa ang galing sa Tuao, Cagayan.
Sa nasabing bilang ay dalawa ang overseas filipino workers na galing sa Saudi Arabia pangunahin na ang mula sa San Isdiro at Cabatuan.
Ang tatlo naman ay mg LSIs na galing sa mga lugar na infected ng virus.
Karamihan sa mga panibagong nagpositibo sa COVID-19 ay asymptomatic bukod sa taga Tuao, Cagayan na nakaranas ng lagnat, ubo at pananakit ng katawan.
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus ay isinasagawa na ng mga kasapi ng PNP at kawani ng DILG kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela, at mga Lokal na Pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibo ng virus.
Samantala, nanatili pa ring COVID-19 free ang mga lalawigan ng Batanes at Quirino sa region 2.