-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Pope Francis na hindi pa tuluyang natutugunan ng lipunan ang iba’t ibang sakuna na nararanasan ng buong mundo dahil sa climate crisis.

Ayon kay Pope Francis, posible raw na isa ang coronavirus pandemic sa tila ganti ng kalikasan para sa sambayanan na mas pinipili raw na magbulag-bulagan sa malupit na resulta ng climate change.

“Who now speaks of the fires in Australia, or remembers that 18 months ago a boat could cross the North Pole because the glaciers had all melted?” he asked. “Who speaks now of the floods? I don’t know if these are the revenge of nature, but they are certainly nature’s responses,” wika nito.

Unang naranasan ang hagupit ng coronavirus outbreak sa Wuhan, China noong December 2019 na unti-unting kumalat sa iba’t ibang bansa sa buong mundo at ngayon ay kumitil sa buhay ng milyon-milyong katao.

Noong Marso naman nang isara ng Vatican mula sa publiko ang Saint Peter’s Square at Basilica matapos maramdaman sa Italya ang epekto ng outbreak.

Dagdag pa ng santo papa na patuloy ang kaniyang pagdadasal at confession kada linggo para humingi ng tawad sa kasalanan ng sanlibutan.

“There is an expression in Spanish: ‘God always forgives, we forgive sometimes, but nature never forgives,'” wika ng santo papa.

Kinondena rin ni Pope Francis ang tila pagbabalat-kayo ng ibang world leaders na harapin ang kasalukuyang krisis at ang problema ng mundo sa pagkagutom ngunit patuloy pa rin naman ang produksyon ng mga armas.

“I believe we have to slow down our rate of production and consumption and to learn to understand and contemplate the natural world,” ani Pope Francis. “We need to reconnect with our real surroundings. This is the opportunity for conversion.”