-- Advertisements --

Naniniwala ang MalacaƱang na matatalakay pa rin ang usapin ng COVID-19 pandemic sa isasagawang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong taon.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng nakatakdang pagdaraos ng APEC Leaders’ Meeting sa Nobyembre 20.

Sinabi ni Sec. Roque, kahit pa economic matters ang karaniwang pinag-uusapan sa summit na ito, buong daigdig pa rin ang nakatutok sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Sec. Roque, mahalaga ang pagpupulong na ito lalo lahat naman ay nakatuon pa rin sa kung papaano makakabangon mula sa epekto ng pandemya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, gaya ng ibang mga international conferences at conventions na ginanap ngayong taon sa gitna ng global health crisis, virtually ring isasagawa ang APEC Summit ngayong buwan na pangungunahan ng Malaysia.