Nakiisa rin sa pagbibigay pugay sa mga bayani si Vice President Leni Robredo ngayong National Heroes Day.
Sa kanyang mensahe sinabi ni VP Leni na bukod sa mga kilala at kinalakihan na nating bayani, ay maituturing din na natatangi ang kadakilaan ng iba pang nagsa-sakripisyo sa gitna ng iba’t-ibang krisis.
“We honor today the many heroes who struggled, fought, sacrificed for our nation; who spoke truth to power and braved death or persecution; who exhibited courage, and in so doing, helped chart our destiny as a people.”
“We honor not one or a few names, but the countless others who were, or continue to be, animated by the same imperatives that drive us in times of crisis: Love those beyond your immediate circle; expand these circles to go beyond family or friends; care for the community, care for the country. Do this, despite fear and uncertainty. Fight, if necessary; do not shrink from struggle or sacrifice. Be kind and be brave.”
Nagbigay pugay ang pangalawang pangulo sa mga mga medical professionals, uniformed officers, government officials at volunteers na nangunguna para tugunan ang krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease.
“As we face COVID-19 and its terrible effects, the spirit of our heroes lives within each of us, especially those in the frontlines of pandemic response: Medical professionals, community leaders, government workers and those from the uniformed services, volunteers, and the common Filipino ready and willing to expand the reach of their compassion.”
Ayon sa pangalawang pangulo, magsilbing inspirasyon sana sa bawat Pilipino ang ipinamalas na tapang ng mga bayani sa mga panahon ng matinding pagsubok tulad ng kasalukuyang COVID-19 pandemic.