MANILA – Sumampa pa sa 631,320 ang kabuuang bilang ng coronavirus case sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong araw nag-ulat ang ahensya ng 4,437 na bagong kaso ng COVID-19. Ito na ang ika-13 sunod na araw ng pag-uulat ng DOH ng higit 2,000 new cases.
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 15, 2021.”
Dahil dito patuloy pang tumaas ang bilang ng active cases o mga hindi pa gumagaling na kaso ng sakit. Ngayon ay nasa 57,736.
Pinakamarami rito ang mild cases na nasa 92.6%. Habang 4% ang asymptomatic, 1.3 severe at critical cases, at 0.68% na moderate cases.
Samantala nadagdagan din ng 166 na bagong gumaling ang total recoveries na nasa 560,736.
Habang 11 ang bagong naitalang namatay para sa 12,848 total deaths.
“10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 are recoveries.”
“Moreover, 4 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”