-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 2,638 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH). Umakyat pa ang total ng coronavirus cases sa bansa sa 359,169.

Ayon sa ahensya, 16 na laboratoryo ang bigong makapag-submit ng report sa kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS). Galing sa Quezon City ang pinaka-malaking porsyento ng mga bagong nadagdag na kaso sa mga siyudad na nasa 141.

Sinundan ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal. Batay sa report, 73% ng additional cases ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw.

“Of the 2,638 reported cases today, 1,932 (73%) occurred within the recent 14 days (October 6 – October 19, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (555 or 29%), Region 4A (463 or 24%) and Region 6 (187 or 10%).”

Ang active cases o mga nagpapagaling ay nasa 42,191 pa. Samantalang 310,303 na ang total recoveries dahil sa nadagdag na 226.

Habang 26 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,675 na.

“Of the 26 deaths, 15 occurred in October (58%), 2 in September (8%) 5 in August (19%) and 4 in July (15%). Deaths were from NCR (6 or 23%), Region 12 (4 or 15%), Region 9 (3 or 12%), Region 6 (2 or 8%), Region 8 (2 or 8%), Region 4A (2 or 8%), Region 1 (1 or 4%), Region 3 (1 or 4%), Region 10 (1 or 4%), Region 11 (1 or 4%), BARMM (1 or 4%), CAR (1 or 4%), and unspecified (1 or 4%).”

Inamin ng DOH na nagtanggal sila n 87 duplicate cases mula sa total case count. Mula rito, 76 ang galing sa recoveries at tatlo sa death cases.

“Moreover, 5 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”