Tumuntong na sa 27,238 ang total ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong araw, batay sa bagong data ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, 457 ang bilang ng mga bagong nadagdag sa listahan ng nagkasakit ng COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, 342 ang fresh cases o mga kaso ng sakit na nakumpirma at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Nasa 115 naman ang late cases, o mga kaso ng sakit na nakumpirma sa nakalipas na apat na araw o higit pa, pero ngayon lang na-validate.

Ang recoveries naman ay nasa 6,820 na dahil sa 268 na bagong gumaling.

Habang ang death toll ay pumalo na sa 1,108 dahil naman sa limang bagong namatay.