-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinayang umabot na sa 3,238 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development-Bicol napag-alaman na muling nakapag tala ng aabot sa 11 ang bilang ng mga panibagong tinamaan ng nasabing sakit.

Dahil dito umakyat na sa 446 o 13.77% ang active cases sa rehiyon.

Nabatid na sa nasabing bilang pito ang naiulat na tinamaan ng nakakahawang virus sa probinsya ng Camarines Sur, dalawa sa Albay, at dalawa naman sa Sorsogon.

Samantala umabot narin sa 2,650 o 81.84% ang bilang ng mga nakarecover na sa nasabing virus dahil narin sa huling walong Newly Reported Recoveries.

Sa ngayon nananatili naman sa 142 ang numero ng mga binawian sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.